Paano mag stake ng Solana (SOL) gamit ang keystore at Solfare?

Aug 27, 2020 4 min read
Paano mag stake ng Solana (SOL) gamit ang keystore at Solfare?

Paano mag stake ng Solana (SOL) gamit ang keystore at Solfare? Sa limang simpleng hakbang, matututo ka kung paano mag stake at pumili ng validator sa Solana

Kamusta mga kapwa SOLmates👩‍💻,

Tatalakayin natin ngayon kung paano mag stake ng Solana (SOL) gamit ang SolFlare wallet. Pero bago yan, pag-usapan muna natin ang pinaka-unang wallet para sa Solana.

💫 Ang SolFlare Wallet

Ang gumawa ng SolFlare wallet ay ang kompanyang Dokia Capital. Ito ang pinaka-unang digital wallet na ginawa para sa Solana Network. Sa pamamagitan ng wallet na ito, makakapag-send, receive, at stake ka ng SOL. Dati, upang makapag-stake, kinakailangan gumamit ng command-line interface. Maraming mga baguhan at mga hindi bihasa ang nahirapan sa paggamit nito. Ngayon, gamit ang SolFlare, mas napapadali at mas napapabuti na ang karanasan ng mga users.

Sa ngayon, maaaring gumamit ng Keystore file at Ledger Nano S hardware wallet. Sa hinaharap, ang Dokia Capital team ay magdadagdag ng iba pang hardware at CLI wallets.

🚀 Simulan na natin ang pag stake!

Step 1 — Gumawa ng wallet

Una, bago tayo mag stake, kinakailangan mag download at mag set up ng iyong wallet. Pumunta lamang sa SolFlare website (https://solflare.com/), at i-click ang “create a wallet.” May dalawang pagpipilian, keystore file or Ledger hardware wallet. Sa tutorial na ito, pipiliin natin ang keystore file. Para sa iyong seguridad, nirerekomenda namin ang paggamit ng Ledger. Gagawa kami ng isa pang guide para matutunan mo kung paano mag stake ng Solana gamit ang Ledger.

I-type ang iyong password. Nirerekomenda na gumawa ka ng backup ng iyong password (maaaring ilagay ito sa isang password manager, sa isang papel, at iba pa). Pagkatapos ilagay ang password, pinduting ang “next”. Awtomatikong gagawin ng SolFlare ang iyong keystore file. Nirerekomenda rin namin na idownload ito at itago sa ligtas na paglalagyan. Sa bawat oras na gusto mong i-access ang iyong wallet, kinakailangan mong gamitin ang keystore file at iyong password. Kaya, wag mo itong wawalain at gumawa ng backup!

Step 2 — Ang pag-access ng iyong wallet

Ngayon na nagawa mo na ang iyong wallet, oras na para kumuha ng SOL upang makapag-stake! Upang ma-access ang iyong wallet, i-click lamang ang “access a wallet” sa SolFlare website. I-upload ang iyong keystore file at ilagay ang iyong password.

Lalabas ang dashboard ng iyong wallet kung tugma ang iyong password at keystore file. Dito makikita ang iyong public address, kung ilang SOL ang mayroon ka, at “transfer SOL” na button. Maaari ring mag palit sa pagitan ng dark-mode at light-mode. Posible ring mag palit to switch sa pagitan ng Mainnet at Testnets.

Kung wala pang laman ang iyong SolFlare wallet, kopyahin lamang ang iyong address at magwithdraw sa isang exchange o ibigay ito sa iyong ka-transaksyon. Kung may laman na ito, oras na para magpatuloy sa mga susunod na hakbang.

Step 3 — Paggawa ng Stake Account

Sa Solana network, medyo may kaibahan ang pag stake kumpara sa ibang Proof-of-Stake networks. Kung gusto mo pang matuto tungkol sa Solana, i-click lamang ito.

Sa iyong dashboard, mag scroll down lamang at i-click ang “Get Started”; may lalabas na pop-up at tatanungin ka kung ilang SOL ang iyong ide-deposit. Itype ang amount na gusto mong gamitin para istake. Siguraduhing hindi mo magagamit lahat ng SOL tokens mo dahil kinakailangan mo ring mag-iwan para sa mga transaction fees. Sunod, i-click “next”. Ilagay ang iyong password upang ma confirm ang pag transfer ng SOL tokens sa iyong staking account (tingnan ang imahe sa ibaba).

Step 4 — Simulan na natin ang pag stake!

Dahil nakagawa na tayo ng staking account, oras na para mag stake! I-click ang “Staking” sa itaas ng iyong dashboard. Dito makikita ang balance ng iyong staking account, normal na balance ng iyong wallet, at ang mga validators na pwede mong piliin. Para makapag-stake, i-click lamang ang “DELEGATE NOW”.

May lalabas na pop-up kung saan ikaw ay makakapili ng validator na gusto mong i-delegate ang iyong SOL. I-click lamang ang “Select validator” at i-type ang “Stakin” upang makapag delegate samin. Para ma-confirm and iyong stake, i-type ang iyong password at i-confirm ito.

Step 5 — DONE!!

May lalabas na pop-up na may “transaction complete”. Paalala, aabutin ito ng 45–50 minutes upang lumabas ang mga pagbabago sa iyong dashboard. Pwede mong i check ang iyong transaction sa Solana beach.

At yun lamang, congrats! Ang iyong Solana (SOL) tokens ay naka stake na!
Kung ikaw ay may karagdagang tanong, maaaring pumunta lamang sa aming Telegram channel: https://t.me/stakinofficial

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang:


Pagtatatuwa: Hindi ito isang pinansyal na payo. Ang staking at ang pag invest sa mga cryptocurrency ay may kaugnay na mataas na antas ng panganib at palaging may tyansang mawala, kasali na ang iyong staked digital assets. Bilang karagdagan, ang mga botante/delegators ay maaaring maapektuhan ng “slashing” sa oras na magkakaproblema sa seguridad o “liveness” sa mga PoS protocols. Iminumungkahi naming kayo ay magsagawa ng DYOR (Do Your Own Reasearch) o ang sarling pag papananaliksik bago pumili ng validator.

Join the conversation

Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info has been updated.
Your billing was not updated.