Paano mag stake ng Solana (SOL) gamit ang Ledger Nano at Solflare?

Oct 5, 2020 5 min read
Paano mag stake ng Solana (SOL) gamit ang Ledger Nano at Solflare?

Sa limang simpleng hakbang, matututo ka kung paano mag stake ng Solana (SOL) at pumili ng validator nodes gamit ang Ledger Nano at…

Kamusta mga kapwa SOLmates👩‍💻,

Nung nakaraan, tinalakay natin kung paano mag stake ng Solana (SOL) gamit ang SolFlare wallet at Keystore file. Ngayon naman, aalamin natin ang mga hakbang upang makapag stake gamit ang Ledger Nano.

💫 Ang SolFlare Wallet

Ang gumawa ng SolFlare wallet ay ang kompanyang Dokia Capital. Ito ang pinaka-unang digital wallet na ginawa para sa Solana Network. Sa pamamagitan ng wallet na ito, makakapag-send, receive, at stake ka ng SOL. Dati, upang makapag-stake, kinakailangan gumamit ng command-line interface. Maraming mga baguhan at mga hindi bihasa ang nahirapan sa paggamit nito. Ngayon, gamit ang SolFlare, mas napapadali at mas napapabuti na ang karanasan ng mga users.

Sa ngayon, maaaring gumamit ng Keystore file at Ledger Nano S hardware wallet. Sa hinaharap, ang Dokia Capital team ay magdadagdag ng iba pang hardware at CLI wallets.

🚀 Simulan na natin ang pag stake!

Step 1 — Gumawa ng wallet

Una, bago simulan ang staking, kinakailangan mong i-set up ang iyong wallet. Maari mong piliin ang Keystore file, o Ledger hardware wallet. Sa tutorial na ito, gagamitin natin ang Ledger hardware wallet. Para sa iyong seguridad, nirerekomenda namin ang paggamit ng Ledger Nano.

I-download at i-install ang Ledger Live sa iyong laptop/desktop computer: https://www.ledger.com/ledger-live/download. Pagkatapos ma install, i-click ang “Settings” na makikita sa kanang bahagi, sa itaas.

I-click ang “Experimental features” at i-enable ang “Developer mode”.

Sunod, i-click ang “Manager” na makikita sa kaliwa. I-search ang “Solana”, at i-press ang “Install”.

Pagkatapos ma install ng iyong Solana app, pwede na pumunta sa Solflare.com at i-click ang “Create a wallet” o di kaya’y “Access a wallet”.

Basahin ang mga patnubay. Sunod, i-click ang “Using Ledger Nano S” at “ACCESS WALLET”.

I-enter ang iyong PIN code sa iyong Ledger Nano at i click ang “Next”. May lalabas na prompt kung saan papipiliin ka kung anong Ledger ang iyong gagamitin. I-click ang iyong wallet at piliin ang “Next” ulit.

May lalabas na listahan ng mga address, piliin ang iyong gustong gamitin at i-click ang “Access”.

Step 2 — Ang pag-access ng iyong wallet

Ngayon na nagawa mo na ang iyong wallet, oras na para kumuha ng SOL upang makapag-stake! Pagkatapos ma-click ang “Access”, may lalabas na dashboard. Dito makikita ang iyong public address, kung ilang SOL ang mayroon ka, at “transfer SOL” na button. Maaari ring mag palit sa pagitan ng dark-mode at light-mode. Posible ring mag palit to switch sa pagitan ng Mainnet at Testnets.

Kung wala pang laman ang iyong wallet, kopyahin lamang ang iyong address at magwithdraw sa isang exchange o ibigay ito sa iyong ka-transaksyon. Kung may laman na ito, oras na para magpatuloy sa mga susunod na hakbang.

Step 3 — Paggawa ng Stake Account

Sa Solana network, medyo may kaibahan ang pag stake kumpara sa ibang Proof-of-Stake networks. Kung gusto mo pang matuto tungkol sa Solana, i-click lamang ito.

Sa iyong dashboard, mag scroll down lamang at i-click ang “Get Started”; may lalabas na pop-up at tatanungin ka kung ilang SOL ang iyong ide-deposit. Itype ang amount na gusto mong gamitin para istake. Siguraduhing hindi mo magagamit lahat ng SOL tokens mo dahil kinakailangan mo ring mag-iwan para sa mga transaction fees. Sunod, i-click “next”. I-kumpirma ang iyong transaksyon sa iyong Ledger Nano.

Ipapakita ng iyong Ledger Nano ang mga datos tulad ng kabuuang halaga, wallet address ng iyonh staking account, atbp. Pindutin lamang ang kanang button hanggang makita mo ang “Approve”. Dapat sabay-sabay pindutin ang kaliwa at kanang button upang makumpirma ang transaksyon sa iyong Ledger Nano. Pagkatapos, dadating na ang iyong SOL tokens sa iyong staking wallet at pwede mo nang i-press ang “finish”.

Dahil may laman na ang iyong staking wallet, oras na para mag delegate sa isang validator. I-click ang “DELEGATE NOW” na button upang masimulan ang pag stake.

Step 4 — Simulan na natin ang pag stake!

I-click ang “Staking” sa itaas ng iyong dashboard. Dito makikita ang balance ng iyong staking account, normal na balance ng iyong wallet, at ang mga validators na pwede mong piliin. Para makapag-stake, i-click lamang ang “DELEGATE NOW”.

May lalabas na pop-up kung saan ikaw ay makakapili ng validator na gusto mong i-delegate ang iyong SOL. I-click lamang ang “Select validator” at i-type ang “Stakin” upang makapag delegate samin. Para ma-confirm and iyong stake, i-click ang next at kumpirmahin ito sa iyong Ledger Nano. Dapat sabay-sabay pindutin ang kaliwa at kanang button upang makumpirma ito.

Step 5 — DONE!!

May lalabas na pop-up na may “transaction complete”. Paalala, aabutin ito ng 45–50 na minuto upang lumabas ang mga pagbabago sa iyong dashboard. Pwede mong i check ang iyong transaction sa Solana beach.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang:


Pagtatatuwa: Hindi ito isang pinansyal na payo. Ang staking at ang pag invest sa mga cryptocurrency ay may kaugnay na mataas na antas ng panganib at palaging may tyansang mawala, kasali na ang iyong staked digital assets. Bilang karagdagan, ang mga botante/delegators ay maaaring maapektuhan ng “slashing” sa oras na magkakaproblema sa seguridad o “liveness” sa mga PoS protocols. Iminumungkahi naming kayo ay magsagawa ng DYOR (Do Your Own Reasearch) o ang sarling pag papananaliksik bago pumili ng validator.

Join the conversation

Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info has been updated.
Your billing was not updated.